Magnitude 5.2 Earthquake rocks North Cotabato, Philippines

Magnitude 5.2 Earthquake rocks North Cotabato, Philippines

NIYANIG ng 5.2 magnitude na lindol ang North Cotabato kaninang umaga Hulyo 15, 2013 (Lunes).
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) naramdaman ang intensity 5 na lindol sa Carmen, North Cotabato.
Habang naitala naman ang intensity 4 na lindol sa Kabacan at Matalam, North Cotabato.
Sinabi pa ng Phivolcs na naramdaman naman ang intensity 3 na lindol sa Tagum City, Davao del Norte, habang naitala naman ang intensity  2 na lindol  sa  Kidapawan City, Koronadal City, South Cotabato.
Ayon sa Phivolcs  naramdaman ang lindol sa Silangan bahagi ng Carmen, North Cotabato dakong 9:28 ng umaga kanina.
Nabatid pa sa Phivolcs na ang origin ng lindol ay tectonic  at  ang lalim sa lupa ng lindol ay 004 kilometro.
Wala naman iniulat na napinsala sa  naturang lindol  ngunit may  inaasahang aftershocks sa naturang lindol.
0 comments

0 comments:

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

Sponsors